Idol! I love you!!! Mahal na kita talaga!
Ang sakit sa tenga teh! Maririnig ka ba nyan sigaw ka ng sigaw?! Oo na, fan ka na fan! Sipain kita jan nang lumipad ka sa kinatatayuan mo. Haay… bakit ba ganyan mga fans. Oo na gwapo naman talaga ‘yang tinitiliian mo eh pero tao rin yan noh, kapareho naten. Wala ngang masama sa paghanga pero wag namang grabeh. Weh?
Ganyan ako mag-isip dati, well, nag-iba ang lahat ng mapanood ko si Ji-hoo sa Boys over Flowers. At nabuhay ang katawang lupa ko nang makilala ko si Coco Martin sa ‘Tayong Dalawa’ sa Teleserye sa ABS-CBN. Ewan ko, ganun nga siguro ang mga tipo ko. Well, di nga bawal humanga. At di rin naman ako grabe humanga noh, di tulad nung ateng na yun na nakakabingi ang tili! Speaking of paghanga, san nga ba nagsimula ito? Try ko kaya itanong kay kuya kim noh? Hehe! Kasi ka twitter ko yun. Alam ko lang kasi meaning. Paghanga—from the root word ‘hanga’ in English ‘admiration; amazement, astonishment’. Karamihan naman na hinahangaan ay mga artista. Buti na lang may twitter na ngayon, so I can follow them! ^_^
Kaso KJ si Coco Martin, masyadong private ang life, nakita ko twitter nya aba at naka private. Pero follow ko pa rin, kaso hanggang ngayon di pa rin ni aapprove. ~_~
Sana huwag nating kalimutan na tao din silang tulad naten. Mas naipakita lang nila talent nila sa telebisyon, movies or kahit saan basta actingan. Tayo din naman ay may sari-sariling talent na dapat nating lalong pag-ibayuhin. Ako may talent ako sa pagkanta, pagsayaw at pag-arte (weh?), pero mas pinili ko kung saan ako nasanay at iyon ang trabaho ko ngayon. Sanayan lang ‘yan, at kung saan ka mas kumikita. Nakakapagod na nga rin itong trabaho ko, pero makahanap naman kaya ako ng ibang trabaho na kaya ko at nakakasweldo ako ng kapareho ngayon or mas malaki pa? Di’ba? Ganun din sila. Yes, let’s be proud of them. But be proud of yourself first, or let’s say, make your self be proud of yourself first. ^___^

0 comments