Wednesday, March 24, 2010

Pag nalasing ka ba...makulet ka din?

Totoo naman talaga na kapag ika'y nalalasing lumalabas ang kakaiba mong katangian. Minsan yung tahimik nagiging makulit, palatanong, o kaya ay nagiging madaldal, at minsan ayun kinakausap na ang crush niya na di man lang niya madikitan pag normal siya. Naalala ko pa nung mga araw na ako ay tumotoma pa, college days... Kahit na mas madalas ako ang natitira na matibay, siguro marunong lang akong magtago ng kalasingan. Ako, pag nalalasing palatanong lang ako, ang naaalala kong tinanong ko sa mga kasamahan ko noon, "Paano mo ba malalaman kung lasing na?". Tapos sinagot ako "Pag nagiging makulet na. Ikaw nga di halatang lasing na eh." Natawa lang ako, kasi pag dineny ko pa na lasing na nga ako, mas mahahalata nila. Di'ba karamihan naman sa mga nalalasing hindi nila inaamin na lasing na sila. At iba na rin pakiramdam mo pag alam mong may tama ka na, feeling flying in heaven ka na, na parang ika'y isang balahibong nililipad ng hangin o dahon na dahan-dahang bumababa sa lupa. Marami pang mga kakaibang bagay ang nagagawa ng tao pag nalalasing na, ilan nga dito ay ang mga sumusunod:

1. Umiiyak kahit walang dahilan. (Marami akong kilalang ganito pag nalasing.)

2. Nagbibigay ng advice sa kapwa lasing. (Ayos!)

3. Kumakanta ng pasintunado. (Lalo na sa mga videoke bar.)

4. Tinatawagan /tntxt ang ex para makipag-usap ng walang sense. (Asa naman.)

5. Nai-inlove na lang ng bigla. (Malalaman mo 'pag kakaiba na ang titig sa'yo.)

6. Ginagawang unan ang inidoro. (At tumatawag ng uwak!)

7. Nagiging galante. (Tapos pag natauhan na ubos na pala ang pera...)

8. Ikinikwento ang buhay ng buong angkan.

9. Nagiging English speaking kahit wrong grammar.

10. Panay ang sabi ng “hindi na ako iinom!” habang nagsusuka pero syempre salitang lasing lang yun dahil kapag wala ng hang-over “sarap tumagay” naman ang sasabihin.


Ilan lamang iyan sa mga kakaibang katangian ng tao pag nalalasing. Yung iba nga mas malala pa. Pero hindi ako naniniwala na pag nalasing ka na, hindi mo na alam ang ginagawa mo. Alam mo, kaya lang hindi mo rin minsan kontrolado ang sarili mo dahil sa sobrang kalasingan at dahil hilo ka na rin. Pero kanya-kanya namang opinyon yan eh. Nasasabi ko lamang ito dahil sa aking karanasan. Sabagay, hindi pa naman ako nalalasing ng ganun kagrabe. Ang last na nalasing ako ay nung gumawa ako ng sarili kong taho sa mug. Sobra naman kasi talaga ang ininom ko, nakaubos ako ng isang bote ng Generoso, tapos ininom ko pa yung natirang Emperador ng mga kasama ko. Sila nagpapaka emo na, ako nag-aalala sa masasayang na alak, kaya pinilit kong ubusin...haha! Tamang gawain nga naman... Mula nun, di na talga ako uminom ng napakarami. Isang beses pa lang naman na nagyari na pinagsama ko ang dalawang alak sa isang inuman... Well, marami nga sigurong makulit pag nalalasing. And confirmed isa ako dun... in a minor way! *LOL*

0 comments:

Post a Comment